Sunday, November 29, 2009

No. 7 | Todo el mundo es un viajero



Lahat ay daraan

Samu't sari ang mga pasan-pasan
Hindi mahalaga kung sino ka't san nagmula
Rurok ng puso mo, doo'y magsimula


Ako,ikaw pawang walang alam sa patutunguhan
Tanging si Ama ang gabay ng sangkatauhan
Huwag matakot na magkamali
o magpasintabi man dili



Iisa lang ang buhay
Dito sa mundo'y minsan lang mamamahay
Tumalon, ngumiti't magalak
Tayo'y magpakalango sa alak



Humiyaw, imiyak sa sakit kung kailangan
Lahat maiiibsan basta't ika'y tumangan
Lahat ay magmadali
Ikaw ako ay kasali



Sindihan ang yosi't simulan hithitin
Pait at sarap langhapin natin
Dito sa mundong mapaglaro

Buhay, puso't isip laging binibiro