Isang umaga, doon sa dalampasigan, nakita kita
Pagsilip ng araw sa pagitan ng mga labi ng ulap inaabangan ng ating mga mata
Dala-dala ang camera na nakasukbit sa leeg
Ika’y binati ko ng “magandang umaga”
Ngumiti ka rin naman at tayo ay naglakad sa kawalan
Habang tinatalisod ang mga matatalim na kabibeng nakaharang sa daan