Saturday, December 12, 2015

No. 21 | Sulat

Nais kitang isulat
Istorya mong maganda ay ikalat
Pangalan ay bigkasin
Mukha’y ilathala sa pahina ng magasin

No. 20 | Sarangola

Ipikit ang mga mga mata 
Sa mga ayaw makita
Takpan ang tainga
Sa mga naririnig na di kaaya-aya
Imanhid ang katawan
Sa mga bagay na ayaw damhin
Buksan ang puso
Nang tukso ay lumayo
Paigtingin ang damdamin
At pagmamahal ay sariwain
Kasabay ng alon sa dalampasigan
Ng puting buhangin
At diwa'y paliparin
Gaya ng saranggola sa hangin