Saturday, December 12, 2015

No. 21 | Sulat

Nais kitang isulat
Istorya mong maganda ay ikalat
Pangalan ay bigkasin
Mukha’y ilathala sa pahina ng magasin
Ngunit ika’y sadyang kay lalim
Hiwaga mo ay sadyang napakatalim
Parang dagat na kailangan sisirin
O makapal na gubat na susuyurin
Titik hihimayin na parang sa abaka
At babaybayin nang naaayon sa silabika
Sa kagustuhan na ika’y aralin nang sapat
Nalaman ko na ito’y hindi dapat
Sapagka’t ikaw ay buo na
Simula pa man noong una
Kung kaya’t pahintulutan isang pakiusap
Na ibinulong ko noong isang gabi sa mga kulisap
Iyong mukha't ngiti'y sana ay parati nang masisilayan
Mula sa pag-idlip hangang sa pag-dilat nitong kamalayan

No comments: