Monday, December 14, 2015

No. 22 | Nalilito

Nalilito o niliito
Nanginginig o kinikilig
Isip ay gulong-gulo


Matamis na pangakong binitiwan
Nong nakaraan parang kailan lang
Malambing, matiwasay, ubod ng kagalakan
Aking naramdaman, sa iyo'y pinatunayan
Bigla bigla, teka, parang may nagbago
Nalilito o niliito
Nanginginig o kinikilig
Isip ay gulong-gulo

Dating pag-ibig na sobrang init
Na kumakalma sa lahat ng nakapalibot na shit
Bigla bigla, teka, parang tila lumamig
Nalilito o niliito
Nanginginig o kinikilig
Isip ay gulong-gulo

Ako ba o ikaw?
O di kaya naman ba ay siya o sila?
Baka naman isa itong challenge
Na susubok sa survival of the fittest
Pero teka, may nagbago nga bang talaga?
O baka ganito na noon pa mang umpisa
Nalilito o niliito
Nanginginig o kinikilig
Isip ay gulong-gulo

Tayo, kami, mga salitang dati nating sambit
Biglang napalitan ng ako at ikaw
E di wow! Solo!
Ano pa man, ano pa ba? Ano na ba?
Meron pa ba?
Meron na ba?
Ako pa ba?
Ikaw na ba?
Siya na ba?
Alam mo ba?
Ako hindi.
Hindi sigurado.
Nalilito o niliito
Nanginginig o kinikilig
Isip ay gulong-gulo

No comments: