Sunday, August 30, 2015

No. 16 | Parke

Noon, madalas sa parke ang puntahan ng mga magkasintahan.
Kapag araw ng linggo, napupuno ito ng mga bunton ng masasayang pamilya,
bitbit ang kani-kanilang mga anak
na malayang nagsisipagtakbuhan sa kawalan.
Naging kanlungan din ito ng mga kabataan
na maingat na tinahi ang kanilang mga mumunting pangarap.
Napupuno ang lugar ng hagikgikan at mga kwento
na minsa'y may pait at tamis
na bubuo sa isang napakagandang larawan.
Habang ang mga puno at bulaklak
ang nagsisilbing saksi sa matatamis na mga panagakong binitiwan.



Saturday, August 29, 2015

N0. 15 | Paalam At Mga Mura Na Pabaon Ko



Naalala ko lang nung unang gabing ika’y magpakilala
Animo ay kay bait, mabubulaklak na salitang binitawan sa ilalim ng mga tala
Ang imahe mong ipinakita – mabait, lugmok, malungkot madalas ay nayayamot
Ako ay iyong yinaya ang sabi ay tutulungan mo akong lumimot
Ayaw noong una hindi dahil sa walang tiwala
Ito ay marahil sa hindi pa rin pagkalimot sa isang pagkawala
Lahat ay tutol, sa iyo ay may ayaw
Ako'y kinutya, sa bago kong kanta at sayaw
Unti-unti ika’y pinatuloy sa pintong nakakandado
Ipinangakong hihilumin ang puso kong baldado

No. 14 | 9 Mornings

Uumpisahan ko itong aking tula
Gamit ay isang panalangin sa ilalim ng mga tala
Dear Lord, ibigay ang hiling
Ng pusong lasing
Pangakong magpapakabait, 9 mornings kukumpletuhin