Uumpisahan ko itong aking tula
Gamit ay isang panalangin sa ilalim ng mga tala
Dear Lord, ibigay ang hiling
Ng pusong lasing
Pagod? Sawa? Hindi.
So, Naiinip? Okay, pwede.
Ilang simbahan na din kasi and aking dinayo
Mga poon at panatang aking sineryoso
Nag-novena na kina St. Jude at Padre Pio
Tinambayan ang Baclaran pati na rin ang Quiapo
Pinuntahan si Santa Clara’t nag-alay ng itlog
Mailagay lang ang lahat sa hulog
Ngunit, kapos pa rin ata
Kaya..
Dear Lord, ibigay ang hiling
Ng pusong lasing
Pangakong magpapakabait, 9 mornings kukumpletuhin
Couple sa park, couple sa social media
Mga normalan na eksena
Binali ko nang bahagya upag makasabay
Selfie sa dagat, selfie sa kweba
Pati falls hindi ko pinalampas
Bilangin mo pa ang mga naakyat kong tuktok ng bundok
Tang-ina! Epic! Sandamukal na likes!
Ganun pa man, parang di pa rin talaga astig..
Kaya..
Dear Lord, ibigay ang hiling
Ng pusong lasing
Pangakong magpapakabait, 9 mornings kukumpletuhin
Minsan, napapaisip ako
Kung sobra nga ba talaga akong humiling
Saktuhan lang naman ayos na
Hindi ganoon kagarbo pero hindi rin naman tarantado
Isang tao na pwede akong sabayan
Sa mga trip na hindi gets ng karamihan
Kaya..
Dear Lord, ibigay ang hiling
Ng pusong lasing
Pangakong magpapakabait, 9 mornings kukumpletuhin
Kailan kaya, kailan ba dapat?
Kailan mangyayari na ang salat ay maging sapat?
Kupidong kerubin
Huwag kalilimutan ang aking bilin
Bilisan ang iyong paglipad
Pumana ka nang sagad
Huwag ka lang sasablay
Kung hindi siguradong ika’y magkakalatay
Tatapusin ko itong aking tula
Gamit pa rin ang isang panalangin sa ilalim ng mga tala
Dear Lord, ibigay ang hiling
Ng pusong lasing
Pangakong magpapakabait, 9 mornings kukumpletuhin
No comments:
Post a Comment