Tuesday, August 15, 2017

No. 37 | Tatlong Bagay Na Di Mo Dapat Malaman

Una. Crush kita.
Di mo siguro agad na-gets pero sa umpisa pa lang, nakuha mo na ako.
Bihira yun ah, may pagka-introvert kasi ako pero sayo bigla akong nagko-convert.
Ano kasi.
Ganito kasi.
Pano ba?
Basta, may kilig factor.
Period.

Pangalawa. Ibang klase ang pagka-libog ko sayo.

Kung hindi ka bisaya, iisipin mong manyak ako.
Ang ibig kong sabihin, ay isa kang malaking palaisipan.
You have this aura that confuses me.
That entices me.
Kaya mong makipaglaro sa utak, sa salita and that's what I like.
Kaya mo akong dalin sa dimension - malalim at mababaw,
na pareho natin gustong tambayan.
Isang lugar kung saan pwede tayo magpaka-pilosopo sa reality
O magpakawalwal sa imahinasyon or ilusyon.
May nabasa ako dati,
"If you kiss her mind, her body will follow"
So ayun nga,  it's safe to say that I fantasize about you
- intellectual, emotional at oo pati physical.

Pangatlo. Grabe ka.
Ginusto kita.
Gustong-gusto.
Pero siguro hindi yun naging husto
Ang sablay ko kasi.
Palagi, I feel too much
and I express too little.
Magulo din kasi tayo pareho,
di maintindihan kung ano talaga ang gusto.
Urong-sulong
Yung akala mong aabante
Biglang kakambyo, andaming pasakalye
Pero dahil mukhang okay ka kung nasaan ka,
sapat na yun para ako ay kumalma.
Kung sabagay, yun naman talaga ang gusto natin
Ang mag-sip at mamuhay nang malaya at walang alalahanin
Pero kahit na nagkaganun
Isa ka pa din sa pinakamagandang what ifs
Sikreto lang natin ha,
oo nga, walang tayo
pero tang-ina! tinamaan ako sayo


1 comment:

hex21 said...

hey lovrn,

Luv your poems, i got hitched.

thanks a ton!