Thursday, March 16, 2017

No. 29 | IKAW

Ikaw ang oo sa kanilang mga hindi
Ang ngayon sa dating kailan
Ang sagot sa mga bakit, paano at saan
Ang tuwa at tamis sa mga inipon na lungkot
Ang handog sa mga inipon na dasal
Ipinagsigawan sa bulalakaw doon sa kalawakan

Ikaw yung lahat sa akala kong wala na
wala nang natira, wala silang tinira
at akala kong ubos na pero hindi naman pala

No comments: