Sunday, August 28, 2016

NO. 28 | GUSTO KO LANG NAMAN

Sa dami ng nakikita at nakakasalamuha mo sa araw araw:

Yung driver ng jeep,
konduktor sa bus,
yung gasoline boy sa Caltex,
ticketing officer sa NLEX,
MMDA sa Kalaw,
mga barkers sa bandang Cubao,
mapoporma sa Ayala,
nakasabay tumawid ng kalsada,
yung chicks sa elevator,
yung seksi sa escalator,
nakatabi mo sa eroplano,
yung boy next door sa condo,
cashier sa Family Mart,
yung crush mo na smart,
naka-nose-to-nose sa MRT,
naka-elbow-to-elbow sa LRT,
yung mabango na dumaan,
nagsermon na pari sa simbahan,
crush mo na sakristan,
na-meet mo sa Manila,
naka-party mo sa Bora,
yung sinabihan mo ng "I like you, pero hindi pwede, tang-ina",
yung nag I love you sayo pagkatapos niyo magkape,
yung tao na gusto mo gaya ng pagkagusto mo sa extra rice
(mahal diba? Oo, mahal mo),
yung katabi mo sa van na nagtanong ng oras,
classmate mo dati na nagbigay sayo ng rosas,
mga politikong salot,
tindero sa kanto ng balut,
yung alamat na cook ng Pares,
si ate na nagbebenta ng mani at calamares,
mga tao na nakalimot, nalimot, nililimot
at yung nagiisang tao na sa kung anong dahilan putang ina hindi magawang makalimutan.

Ayun nga, naisip ko lang kung naiisip mo din ba minsan kung ano ang iniisip nila:
Kung paano nila binubuno ang isang araw?
O kung sino ang tinatagos ng kanilang mga tanaw?
Kung ano ang playlist nila sa Ipod?
O kung saan sila napapadpad tuwing isip ay lumilipad?
Kung sino ang kausap sa telepono at bakit tila napapangiti kahit na mag-isa?
O kung anong libro ang dala-dala at binabasa?
Interesado ka ba sa mga bagay na sa kanila ay nagpapasaya?
Gusto mo ba makita ang mga kulay na binibigyan nila ng malisya?
Nais mo rin ba na matikman ang mga pantasya na kinakanlong nila sa kawalan, sa katawan?
O marinig ang mga tula na kanilang inaawit sa tuwing pumapatak ang ulan?

Gusto mo ba?
Kasi ako, gusto ko.
Gusto ko lang malaman.
Gusto ko lang naman.











No comments: